PH RATSADA SA PWD CHESS OLYMPIAD

BINIGO ng Philippine chess team ang Serbia 2 sa iskor na 3.5-0.5 para maitala ang ika-3 sunod na panalo sa FIDE Chess Olympiad for People with Disabilities sa Belgrade’s Crown Plaza Hotel nitong Miyerkoles sa Belgrade, Serbia.

Maganda ang simula ng Nationals sa kanilang get go of the game tungo sa matamis na pagkapanalo nina Fide Master Sander Severino, National Master James Infiesto at National Master Darry Bernardo.

Tinalo ni Severino si Mile Bjelanovic matapos ang 44 moves ng Caro Kann defense sa board one, winasiwas ni Infiesto si Luka Bulatovic matapos ang 57 moves ng Bishop Opening sa board three habang ibinasura ni Bernardo si Vladan Petrovic makaraan ang 42 moves ng Caro Kann defense sa board four.

Nakatabla si Stefan Mitrovic kontra National Master Henry Roger Lopez matapos ang 42 moves ng Old Indian Defense sa board two para makaiwas sa pagkabokya ang Serbia 2.

“’Pag mag all males ang kalaban laro ulit ako. ‘Pag may babae ang kalaban then si Cheyzer ang maglaro.” sabi ni playing coach Infiesto.

Tangan ang tatlong panalo na ang katumbas ay sixth match points, ang James Infiesto-mentored Filipinos na suportado ng Philippine Sports Commission ang kampanya ay may perfect six points gaya ng powerhouses India at Poland.

Pinigil ng India ang Israel, 3-1, habang dinurog ng Poland ang FIDE, 3.5-0.5.

Makakalaban ng mga Pinoy ang Poland team nina GM Marcin Tazbir, FM Marcin Molenda, Pawel Piekielny at Piotr Dukaczewski sa fourth round ng six-round tournament, tampok ang top 26 teams via average rating.

MARLON BERNARDINO