MULING winasak ni Filipino pole vault sensation EJ Obiena ang national indoor pole vault record sa pagwawagi ng gold sa ISTAF Indoor Athletics Meet sa Berlin, Germany.
Lumundag ang 24-year-old pole vaulter sa 5.80-meter mark, na kanya ring personal best, sa torneo na idinaos kahapon ng umaga.
Nauna nang binura ni Obiena ang Philippine indoor pole vault record noong January 30 sa Karlsruhe World Indoor Tour Meeting, nang lumundag siya sa 5.62 m. Tumapos lamang siya sa ika-5 puwesto sa torneo.
Sa Berlin event ay magaan na nagtala si Obiena ng 5.42 m habang lumundag ng 5.52, 5.62, at 5.72 m marks sa kanyang ikalawang pagtatangka.
Naglaban sina Obiena at Torben Blech ng Germany para sa gold sa 5.80 m mark. Nakopo ng Pinoy ang gold dahil naitala niya ang bagong Philippine indoor pole vault record sa isang pagtatangka lamang, habang nagawa ito ng German sa ikalawang pagtatangka.
Kinuha ng kababayan ni Blech na si Oleg Zernikel ang bronze medal.
Tinalo rin ni Obiena sina veteran Polish pole vaulters Robert Sobera (4th) at Piotr Lisek (5th), Germany’s Bo Kanda Lita Baehre (6th), American Matt Ludwig (7th) at former world champion Raphael Holzdeppe (8th).
Si Obiena ay isa sa apat na Filipino athletes na nag-qualify na sa 2021 Tokyo Olympics. Ang tatlong iba pa ay sina gymnast Carlos Yulo at boxers Eumir Marcial at Irish Magno.
831582 128900Appreciate it for helping out, superb info. 609033
539570 946418appreciate the effort you put into obtaining us this info 82052
652377 829592This is a excellent blog. Maintain up all the work. I too enjoy to blog. This is great everybody sharing opinions 437415
561013 495482But a smiling visitant here to share the really like (:, btw great style and design . 213307