PH RERESBAKAN ANG THAILAND SA FLOORBALL ASIA-OCEANIA QUALIFIERS

(Mula sa kaliwa) Lucas Perez Oijvall, Ralph Ramos, and Noel Alm Johansson.

MASASAKSIHAN ang mabilis na nakikilalang isport ng floorball sa pag-host ng Pilipinas sa  Men’s Floorball Championships Asia-Oceania Qualifiers sa May 21-25 sa PhilSports Arena.

Walong bansa ang sasabak sa Qualifiers, na kinabibilangan ng Australia, New Zealand, China, Korea, Japan, Thailand, Singapore at Pilipinas. Ang top three finishers ay magkukuwalipika sa World Floorball Championships na gaganapin sa Sweden sa December.

“Eight national teams will compete for the three slots to the World Championships,” pahayag ni Philippine Floorball Association president Ralph Ramos sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Rizal Memorial Sports Complex.

Ang mga koponan ay hahatiin sa dalawang grupo kung saan makakasama ng Pilipinas ang New Zealand, Thailand at Korea. Nasa isang grupo naman ang Australia, China, Japan at Singapore. Ang top two teams mula sa bawat grupo ay aabante sa semis patungo sa  final match.

Aabangan ang paghaharap ng Pilipinas at Thailand, na nanalo sa kanilang laban para sa  gold medal sa Cambodia SEA Games noong nakaraang taon.

Apat na matches kada araw ang lalaruin simula alas-10 ng umaga. Ang lahat ng laro ng Pilipinas ay nakatakda sa alas-4 ng hapon.

Si Ramos ay sinamahan sa forum nina Philippine team coach Noel Alm Johansson and team captain Lucas Perez Oijvall.

“I think we are one of the favorites to qualify although Thailand and Australia are the biggest challenges. We have our strongest team ever. They are all very excited to play before the home crowd,” ani Johansson.

Sinabi ni Oijvall na pitong bagong  players ang sumali sa koponan magmula nang magwagi ito ng silver sa SEA Games.

“We are trying to find the right chemistry but we have more options now and we are more experienced now. We have a stronger team than before with better opportunities and better formation,” aniya.

“And it will be an advantage for us playing here,” dagdag pa ni Oijvall.