INAASAHANG ngayong araw darating sa bansa ang Philippine Inter Agency Humanitarian Contingent na pinadala sa Turkiye.
Ito ay matapos ang matagumpay na dalawang linggong misyon ng Philippine Contingent na tumulong sa mga biktima ng lindol sa Adiyaman, Turkiye.
Matatandaang nitong Biyernes, tinapos ng 82-kataong Philippine contingent na binubuo ng Urban Search and Rescue (USAR) team at Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) ang kanilang operasyon sa Adiyaman.
Mula nang magsimula ang kanilang operasyon noong Pebrero 10, nakarekober ang USAR ng 6 na labi mula sa 36 na bumagsak na istraktura.
Nasa halos isang libong pasyente naman ang napagsilbihan sa field hospital na itinayo ng PEMAT, ang kauna-unahang medical team na nakarating sa lugar. EUNICE CELARIO