PH RIDERS KAKASA SA VIETNAM SEAG

KUNG hindi magkakaroon ng problema ay makapagbibigay ng gold sa bansa ang mga rider mula sa Philippine Navy-Standard Insurance team sa 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Vietnam sa November.

“They’ve been training for two months. They will be very competitive,” wika ni Standard Insurance chairman Ernesto ‘Judes’ Echauz sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon.

Suportado ni Echauz ang cycling at duathlon sa mga nagdaang taon, at bumuo siya ng isang star-studded team na binubuo ng enlisted men sa Navy at ng mga empleyado mula sa kanyang giant insurance company.

Para sa Nov. 21-Dec. 2 SEA Games ay umaasa siya na 10 sa kanyang riders ang magiging bahagi ng national team na sasabak sa walong events sa road race at dalawang events sa duathlon.

Ang top riders sa ilalim ng pangangalaga ni Echauz ay kinabibilangan nina Ronald Oranza, Jan Paul Morales, Emmanuel Comendador, George Oconer and Junrey Navarra (men’s), at Jermyn Prado, Kate Velasco, Mathilda Krogg at Marriane Grace Dacumos (women).

Sinabi ni Echauz sa forum na ang kanyang mga rider ay  “fully-equipped”.

Ayon sa presidente ng Philippine Sailing Association (PSA), ang male riders ay may dalawang buwan nang nagsasanay sa Naic, Cavite, habang ang female athletes ay naka-base sa Subic.

“In Naic, we have a building with 14 rooms, with a swimming pool and a gym that is comparable to the top gyms here in Manila. The place is very conducive to training,” aniya.

Dahil walang sailing sa SEA Games ngayong taon, ibinubuhos ni Echauz ang lahat ng kanyang suporta sa cycling at du-athlon teams.

Walong gold medals ang nakataya sa cycling – tig-2 sa team time trial (TTT), individual time trial (ITT), criterium at massed start, kung saan sinabi ni Echauz na inaasahang mapapalaban ang kanyang riders sa Thailand at Indonesia.

Comments are closed.