PH SISIMULAN NA ANG GOLD MEDAL BID SA POLO

Miguel Romero Polo Field

KUNG makikipagtulungan ang lagay ng panahon, target ng Philippine team na mainit na simulan ang kanilang gold medal bid sa 0-2 goals division ng polo competition sa 30th SEA Games sa Miguel Romero Polo Field sa Calatagan, Ba-tangas.

Umaasa ang mga opisyal ng polo na mananatiling playable ang Romero Field sa kabila ng banta ng bagyong Tisoy na inaasahang mananalasa sa Bicol Region, partikular sa Virac, Catanduanes, ngayon.

“We’re praying that it will not rain so hard here so we can start our event,” wika ni PH team captain at party-list Rep. Mikee Romero. “We’re all excited to play.”

Kung hindi maaaring laruan ang field, ang four-day event ay iuurong bukas kung saan ang finals ay sa Linggo.

Ang iba pang mi­yembro ng koponan ay sina Coco Garcia, Nicole Eusebio, Jam Eusebio at Santi Juban – pawang determinadong manalo matapos ang  final defeat ng bansa sa Malaysia sa 4-6 goals division noong Linggo.

“Everybody is determined to contribute to the country’s bid to win the overall championship and we are all inspired after the explosive first day,” ani  Romero.

Ang draw ay nakatakda kahapon at nakahanda ang Team PH sinuman ang kanilang unang makasagupa.

Bukod sa Malaysia, ang iba pang makakalaban ng PH team ay ang  Indonesia at ang powerhouse team ng Brunei.

Pangungunahan nina Prince Jeffri at Prince Qawi – kapwa miyembro ng Brunei’s royal family – ang gold medal bid ng Brunei.

Comments are closed.