NAGKAROON ng kasunduan ang Pilipinas at Espanya sa Madrid para sa proteksyon ng ‘classified defense information,’ ayon sa Department of National Defense (DND).
Lumagda si DND Secretary Delfin Lorenzana bilang kinatawan ng bansa nitong Huwebes habang National Intelligence Centre ang pumirma para sa Espanya.
Nitong Martes, nakipagkita si Lorenzana kay Spanish Minister Margarita Robles sa unang opisyal na pagbisita nito sa bansa.
Pinag-usapan ng dalawang kinatawan ang parehong interes, kabilang ang pagpapalakas ng pakikipagsosyo sa Indo-Pacific region, pagpapaunlad ng multilateral na kooperasyon, at pagtugon sa climate change, ayon sa DND.
Sinigurado naman ng dalawang bansa na palalakasin nito ang pakikipagtulungan sa industriya ng depensa, pagkakaroon ng exchange students at palawigin ang defense cooperation. LIZA SORIANO