PH SPORTS HALL OF FAME AWARDEES ISASAPINAL NA

PSC Chairman William Ramirez-6

MALAPIT nang pangalanan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang fourth batch ng enshrinees para sa Philippine Sports Hall of Fame.

Sa Biyernes ay pupulungin ng review committee ang selection committee para iprisinta ang kanilang shortlist.

“We asked the expertise of our notable sports media friends and form the review and evaluation committee, for they are the timekeepers of the sports scene and have covered the great achievements of our Filipino athletes,” pahayag ni PSHOF 2020 Selection Committee chairperson at PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Sa mga serye ng virtual meetings, ang Review and Evaluation Committee na binubuo nina Joaquin Henson ng Philippine Star, Eduardo Andaya ng Peoples Tonight, Lorenzo Lomibao Jr. ng Business Mirror, Eriberto Talao ng Manila Bulletin, Eduardo Catacutan Jr. ng Spin.ph, Jose Antonio ng People’s Journal, Reynaldo Bancod ng Daily Tribune, at Prof. Theresa Jazmines ng UP College of Mass Communication, ay nagsagawa ng masusing deliberasyon sa  accomplishments at credentials ng 44 nominees at in-screen ito para makabuo ng shortlist.

Kabilang sa criteria para sa nominasyon ay ang nominees ay dapat na gold medalist sa anumang Southeast Asian Games, o kahit silver medalist sa anumang Asian Games o Asian Cup, o regional games o kahit abronze medalist sa anumang Olympic o World Games; o titleholder o World Champion sa anumang professional o amateur sports competition.

“Athletic performance should have a wide, historic and unprecedented global impact, should have unquestion-able integrity either local or abroad, before and after the event, and non-conviction of a crime involving moral turpitude,” kabilang pa sa criteria.

“We also consider not only the accolades, but also the timeless inspiration and stories behind every nominee. At the end of the day, we want our future generation to live by the stories of our inductees,” paliwanag ni Ramirez.

Ang mga nominado na hindi nakasama sa top 10 ay awtomatikong pagkukuwalipika para sa susunod na enshrinement.

Sa bisa ng Republic Act No. 8757 o ang Philippine Sports Hall of Fame Act, in-enshrine ng pinakamataas na sports award-giving body ang Filipino athletes, coaches, at trainers na nagkaroon ng malaking kontribusyon sa Philippine sports magmula sa una nitong induction noong 2010.

Kabilang sa  past recipients ng aaward ay sina Asia’s First Chess Grandmaster Eugene Torre, Asia’s Fastest Woman Lydia de Vega, Bowling World champions Rafael ‘Paeng’Nepomuceno at Olivia ‘Bong’ Coo, at Filipino boxing legend Gabriel ‘Flash’ Elorde. CLYDE MARIANO

Comments are closed.