BUMABA ng walong puwesto ang Filipinas sa rankings para sa most competitive economies, kung saan nasa ika-64 puwesto ito mula sa 141 na kabilang sa survey. Noong 2018, ang bansa ay nasa ika-56 na puwesto.
Nakakuha ang Filipinas ng kabuuang iskor na 61.9, mas mababa sa 62.1 points nito noong nakaraang taon, sa World Economic Forum’s Global Competitiveness Report 2019.
Sa Southeast Asian region, ang Filipinas ay bumaba sa ika-6 na puwesto mula sa ika-5, kung saan pinalitan ito ng Brunei, habang kinuha ng Singapore, Malaysia, Thailand at Indonesia ang top four, ayon sa pagkakasunod-sunod. Ang Vietnam, Cambodia at Laos PDR ang nasa bottom three.
Gayunman, pagdating sa labor market at financial system indicators, ang bansa ay higit na kumpetitibo kung saan pumang-apat ito.
“Except for high redundancy costs, the country’s labor market policies such as work and management relations and labor mobility had better ratings than its neighboring countries,” nakasaad sa report.
“Globally, it suffered the biggest slump in the field of ICT adoption, ranking 88th from 67th and its rating, slipping from 54.8 to 49.7. The country’s macroeconomic stability rank also slid 12 notches to 55th from 43rd, with the report noting that the inflation rate of the country is just easing this year after it was at a nine-year high last year,” ayon pa sa report.
Ang lowest rank ng Filipinas ay nasa larangan ng kalusugan sa ika-102 puwesto. Tinukoy sa report ang pagbaba ng life expectancy ng bansa sa 65.6 years old, mula sa 67.6 years noong nakaraang taon.
Samantala, tumaas naman ang puwesto ng bansa pagdating sa institutions sa 50th; market size sa 31st, labor market sa 39th; financial system sa 43rd; business dynamism sa 44th; at product market sa 52nd. PILIPINO Mirror Reporto-rial Team
Comments are closed.