KABILANG na ngayon ang Pilipinas sa world’s leading producers ng tuna, ayon sa Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR).
“With unwavering determination, we have elevated the Philippines to the ranks of the world’s lead- ing tuna producers.
Last year’s impressive production of over 475,000 metric tons speaks to our diligence and the richness of our marine biodiversity — a remarkable achievement for a country of our size,” pahayag ni DA Undersecretary for Fisheries Drusila Esther Bayate sa kanyang mensahe sa pagtatapos ng 23nd National Tuna Congress and Trade Exhibit sa SM City General Santos Trade Halls sa General Santos City.
“At sa kabila ng liit natin, nakakapag-export pa tayo. More than 107,000 metric tons of tuna were exported last year. Nakaka-proud talagang maging Pilipino,” aniya, at idinagdag na ang tuna industry ng bansa ay may mayamang potensiyal.
Sa datos ng BFAR ay lumitaw na noong 2022, ang tuna ay bumubuo sa 10.25 percent ng fisheries production ng bansa.
Binigyang-diin ni Bayate na patuloy na umaangkop ang tuna industry ng bansa sa iba’t ibang hamon.
Ibinahagi rin niya ang kasalukuyang mga inisyatibo ng DA sa pamamagitan ng BFAR sa pagpapalakas pa sa tuna industry, tulad ng pagtatayo ng 12 Fisheries Management Areas (FMA), pag-apruba sa tatlong bagong Fisheries Administrative Orders na may kaugnayan sa tuna fisheries management, Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) Project, at ng National MLambaklad and Payao Program.
Binigyang-diin naman ni DA-BFAR director Demosthenes Escoto ang kahalagahan ng tuna fisheries ng bansa sa gitna ng mga hamon at pagbabago sa kalikasan tulad ng tumataas na temperatura sa dagat na pinalala ng climate change.
Sa kanyang mensahe, sinabi niya na kabilang sa iba’t ibang bagong inisyatibo ng DA para sa tuna industry ay ang patuloy na pagpapatupad ngNational Tuna Management Plan at ang reconstitution ng BFAR Technical Working Group on Tuna Fisheries.
–(PNA)