ISYU sa Philippine swimming ang sentro ng talakayan sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes sa Behrouz Persian Cuisine sa Sct. Tobias, Quezon City.
Ilang personalidad sa swimming community, sa pangunguna ni dating National coach at ngayo’y Board member ng Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA) Chito Rivera ang inaasahang magbibigay ng kani-kanilang programa at pananaw hinggil sa pagbawi ng FINA (International Swimming Federation) sa pagkilala sa Board membership ng Philippine Swimming, Inc. (PSI) – ang asosasyon na nangangasiwa sa mga gawain ng sport sa bansa.
Epektibo nitong Disyembre 3, 2022, ang mga gawain sa swimming ay pansamantalang pinangangasiwaan ng binuong stabilization committee ng FINA na binubuo ng mga opisyal ng Philippine Olympic Committee (POC).
Makakasama niya sa programa na magsisimula sa alas-10:30 ng umaga at mapapanood via livestreaming sa TOPS Usapang Sports Facebook page at Channel 45 ng pinakabagong network sa mobile apps na PIKO (Pinoy Ako) sina Swim League Philippines (SLP) president Fred Ancheta, RSS Dolphins Swim coach Anthony Reyes at promising swimmer Nicola Diamante.