NAGSILBING bayani si playing coach National Master James Infiesto sa sixth-ranked Philippines na nakapuwersa ng 2-2 draw kontra second-ranked Israel sa fifth at penultimate round ng FIDE Chess Olympiad for People with Disabilities Biyernes sa Belgrade’s Crown Plaza Hotel sa Belgrade, Serbia.
Nakihati ng puntos ang Davao City NM Infiesto kay International Master Andrei Gurbanov sa 74 moves ng Vienna Opening sa board three para manatili ang mga Pinoy sa ambitious runner up-place hunt.
“Ako kasi huling natapos na laro buti naka- draw ako at nanalo si Darry (Bernardo) para sa 2-2 stand off sa Israel,” sabi ni NM Infiesto.
Ang tabla at pamamayagpag ni National Master Darry Bernardo sa 28-move win kontra Woman Fide Master Aleksandra Aleksandrova sa Stonewall duel sa fourth board ang tumulong sa PH para sa upset standoff at maihatid sa four way tie sa third place na may 7 match points.
Isang overhauled sa early 1.5-0.5 deficit matapos matalo si National Master Henry Roger Lopez kontra Fide Master Alexey Streltsov sa 37 moves ng London System sa board two at pag-draw ni Fide Master Sander Severino kay Grandmaster Yehuda Gruenfeld sa 70 moves ng English Opening sa board one.
Sa kabuuan, ang mga Pilipino na suportado ng Philippine Sports Commission ay may 7.0 match points na katumbas ng three wins, one win at one loss, iskor din na naitala ng Israel, India at Hungary.
Binigo ng top ranked Poland ang 10th ranked India, 3-1, para manatili sa liderato na may perfect 10 match points, two points ang angat sa solo second place seventh ranked IPCA (8.0 match points), na pinasuko ang fifth ranked Cuba, 3.5-0.5.
Makakalaban ng mga Pinoy ang India’s team nina Kumar Pradhan Soundarya, IM Kutwal Shashikant, Gangolli Kishan at Kumar A. Naveen sa sixth at final round sa six-round tournament tampok ang top 26 teams via average rating.
MARLON BERNARDINO