PH TOP SA MEDALYA

MASAlamin

WALANG pagkapagod at walang tigil ang pagsungkit ng medalyang ginto ng ating mga atletang Pinoy sa ginaga­nap na 30th SEA Games sa bansa. Kung susumahin sa pinaka-latest na medal tally, maaari nang sabihin na ‘may nanalo na’ dahil Day 3 pa lamang ng palaro, 47 na agad ang nasungkit na medalyang ginto ng ating bansa.

Unang araw pa nga lang ng palaro, nau­ngusan na ng ‘Pinas ang kabuuang 24 medalyang ginto na nakuha natin sa 2017 SEA Games na ginanap sa Malaysia. Ito ay dahil na rin sa pagpupursige ng mga orga­nizer at sports officials sa ating mga atleta na mu­ling makuha ang overall champion title sa SEAG na naibulsa ng ‘Pinas sa 2005 SEA games na ginawa rin noon sa ating bansa. 112 gold medals ang nakuha natin noong 2005 SEAG at maari itong higitan pa sa nagaganap ngayong 30th SEA Games.

Isipin niyo naman, unang araw  pa lamang ng SEA Games ay na­lagpasan na ng Pinas ang 24 na gold medals na nakuha ng mga atletang Pinoy sa 2017 SEA Games sa Malaysia at patuloy pang nadadagdagan ang mga gintong medalya ng Filipinas lalo na sa 14 na gold medals na napanalunan sa arnis, 10 na gold medals sa dance sports, 2 sa wushu, 2 sa gymnastics at iba pang gintong medalya na nakopo sa iba pang sports events.

At sa ikatlong araw, nakapagtala na ang Fi­lipinas ng 47 na gintong medalya bukod pa sa silver at bronze medals na nasungkit ng ating mga manlala-ro sa iba’t ibang sports events.

Hindi na kasi nakabawi ang Filipinas sa performance nito sa SEAG dahil noong 2017, 41 gold medals lamang ang naipanalo, 38 gold medals noong 2009, 36 gold medals noong 2011,  tig-29 gold medals noong 2013 at 2015, at 24 gold medals lamang noong 2017.

Tayo ay umaasa na mababaligtad ang performance natin sa SEA Games dahil inspirado at ganado ngayon ang ating mga manlalaro dahil sa suporta na ipinapakita sa kanila ng gobyerno.

Ngayon lang nangyari sa liderato ni Pa­ngulong Duterte sa tu­­long ni Phisgoc  president at House Speaker Alan Cayetano na nagpagawa ng mga olympic standards sports venues tulad ng sports stadium at aquatic center sa New Clark City sa Tarlac bukod pa ang todo-suporta na ibinibigay sa mga atleta.

Ayon na mismo sa mga atleta, inspirado silang makipaglaban sa kani-kanilang sports events dahil sa suporta sa kanila ni Pangulong Duterte at sam-bayanang Filipino. Ganado rin ang mga atletang Pinoy dahil dumarayo ang mga  kababayang Filipino sa iba’t ibang sports venues upang manood at magbigay suporta sa kanila.

Kabilang na rito ang bonggang-bonggang opening ceremony sa Philippine Arena at ang nakabibinging hiyawan at palakpakan ng mga manonood nang pumarada na sa entablado ang mga atletang Pinoy.

Kaya naman, ma­ging ang OCA o Olympic Committee of Asia ay napabilib sa hosting ng Pinas sa SEAG kaya hinikayat ni OCA Vice President Jizhong Wei ang Filipinas na mag-bid para sa 2030 Asian Games.

Who knows ‘ika nga. Posibleng mangyari na mag-host din tayo ng Asian Games lalo na at sinabi na ni POC president Bambol Tolentino na mag-susumite sila ng bidding proposal para sa Asian Games hosting sa 2030.

Good luck Pinas!

FILIPINAS KINILALA BILANG ‘BEST SEA GAMES ORGANIZER’

Kinilala ng Sports Industry Awards Asia ang Philippine Sea Games Organizational Committee  (Phisgoc) sa kaka­yanan nitong mag-organisa ng pinakamagandang SEA Games, anila ibang level ang efforts ang kanilang ibinigay upang maging world class ang opening ceremonies at ang kabuuang 56 sports at 530 iba pang events.

Ang SPIA Asia Awards ay isa sa mga prestihiyoso at kinikila­lang award giving body sa Asia na may malalim na background sa pagbibigay ng pagkilala sa Asian Sports Industry ng mahabang taon.

Bilang nangungunang sports business conference at awards platform sa Asia, ang SPIA Asia ay nagbibigay ng recognition sa Asia’s Top 10 sa ma-higit 25 distinct awards categories kasama na ang Asia’s Best Sportsman at Asia’s Best Sports Woman category, na mayroon pang Gold, Silver, at Bronze na iginagawad sa best performers.

Mismong si SPIA CEO Eric Gottschalk ang personal na nagbi­gay ng award kay Phisgoc Chairman Alan Peter Cayetano at Phisgoc Chief Operat-ing Officer Ramon Suzara sa ginanap na conference na inorganisa ng SPIA Asia sa Grand Hyatt Hotel.

Nagalak naman si Suzara sa SPIA at sinabi nito na lalo pang mai-inspire ang tauhan ng Phisgoc para lalong ganahang magtrabaho para mapagbuti pa ang pagdaos ng SEA Games sa mga natitirang araw.

Matapos ang 14 taon, ang Filipinas ang nag-host sa 30th edition ng SEAG.

Ang matagal na pag-aabang ay sulit sa maganda at maayos na Games kung saan na­ging oportunidad para sa bansa na ipakita ang kaayusan sa pag-sagawa ng biennial games.

Naging daan din ito na malaman ng ibang bansa na ang Filipinas ay isang sports powerhouse sa rehiyon. Matapos ang tatlong araw, ang mga atleta ay umani na agad ng 95 medals sa iba’t ibang kompetisyon sa halos lahat ng sports events.

Comments are closed.