LUMOBO ang trade gap noong Pebrero kumpara sa kahalintulad na buwan noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos ng PSA, ang deficit na $2.79 billion ay mas malaki sa $2.54 billion na naitala noong Pebrero 2018.
Ayon sa PSA, ang exports noong Pebrero ay bumaba ng 0.9 percent year on year sa $5.2 billion habang ang imports ay lumago ng 2.6 percent sa halos $8 billion.
Ang fresh bananas ang top export ng bansa, na bumubuo sa 54.6 percent ng shipments, habang ang transport equipment ang top import na may 30 percent.
Idinagdag pa ng PSA na ang Estados Unidos ang top export market, na may 17.4 percent ng total bill, kasunod ang Japan at China.
Comments are closed.