NABAWASAN ang trade gap ng bansa ng 15.59% noong Mayo sa likod ng bahagyang pagtaas sa export receipts, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos ng PSA, ang trade balance ay nagtala ng $3.275-billion deficit noong May, mas maliit sa $3.880-billion gap na naiposte sa kahalintulad na panahon noong 2018.
Ang trade deficit ay nagpapakita na ang halaga ng imports ng bansa ay mas mataas sa export receipts.
Sa kabila ng pagtala ng pagtaas ng 1% sa $6.16 billion mula sa $6.09 billion, ang total exports ay bumaba ng 5.4% sa $9.97 billion mula sa $9.43 billion.
“The slight increase in exports was due to higher sales in the eight of the top 10 major export commodities: copper concentrates (192.1%); ignition wiring set and other wiring sets used in vehicles, aircrafts and ships (31.7%); fresh bananas (28.6%); chemicals (20.1%); metal components (14.0%); gold (8.3%); other mineral products (7.0%); and electronic products (6.2%),” ayon sa PSA.
“Meanwhile, the 5.4% decline in imports reflected declines in six of the top 10 major import commodities, namely iron and steel (-25.5%); transport equipment (-19.3%); mineral fuels, lubricants and related materials (17.2%); plastic in primary and non-primary forms (-13.7%); industrial machinery and equipment (-4.8%); and other food and live animals (-3.7%).”
Ang total external trade sa goods noong Mayo ay nasa $15.58 billion, bumaba ng 3% mula sa $16.06 billion.
Comments are closed.