PH TRADE DEFICIT LUMOBO

PSA

INAASAHANG lalo pang lolobo ang trade deficit ng bansa sa mga darating na taon sa pagtaas ng imports sa equipment at iba pang capital goods, ayon sa mga local economist.

Sa datos na ipinalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumabas na ang trade deficit ng bansa ay pumalo sa $26 billion mula Enero hanggang Agosto 2018. Mas mataas ito ng 64.7 percent sa $15.79 billion na naitala sa kaparehong panahon noong 2017.

Gayunman, sinabi ni Ateneo Center for Economic Research and Development (ACERD) Director Alvin P. Ang na ang paglaki ng trade deficit ay hindi pa dapat ikaalarma.

“A big chunk of the country’s imports are still infrastructure-related,” wika ni Ang. “As long as this increase is not caused by consumer goods, the widening of the trade deficit is not a cause for concern.”

Ayon kay Ang, umaasa siyang ang paglobo ng  trade deficit ng bansa ay magpapatuloy hanggang 2022 dahil sa ‘Build Build Build’  program ng pamahalaan at sa investment growth.

Sinabi naman ni University of Asia and the Pacific School of Economics Dean Cid Terosa na ang pananaw na ang trade deficit ay hindi dapat ikabahala ay maaari lamang magamit para sa long-term view.

Sumang-ayon naman si Terosa kay Ang na ang paglaki ng trade deficit, na sanhi ng mas mataas na imports, ay indikasyon ng future investments sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Kaugnay nito, sinabi ni Terosa na patuloy na lolobo ang deficit hanggang sa susunod na taon.

“However, deficits have a tendency to eventually narrow,” aniya.  CAI ORDINARIO

Comments are closed.