LUMAKI ang trade deficit ng bansa ng 171.7 percent sa $3.55 billion noong Hulyo 2018, mula sa $1.31 billion noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos ng PSA, ang exports ay lumago ng 0.3 percent sa $5.85 billion mula sa $5.83 billion year-on-year, habang bumilis ang imports ng 31.6 percent sa $9.40 billion mula sa $7.14 billion.
Ang double-digit increase sa imports ay sa likod ng pagsipa ng iron at steel shipments ng 135.5 percent.
“This still driven by a surge in infrastructure-related spending that unleashes the country’s full economic potential,” wika ni BDO Unibank Inc. chief strategist Jonathan Ravelas.
Sinusugan ito ni First Metro consultant Aaron Say sa pagsasabing ang import requirements para sa mga proyektong pang-imprastraktura ay maaari pang makapagpalaki sa trade gap, na maglalagay ng pressure sa piso.
“As importation becomes higher and as exports failing to keep pace then definitely the direction of the flows of foreign currency would be outwards then definitely that would put much more negative pressure on the peso,” sabi ni Say.
Ang total external trade ng mga produkto ay umabot sa $15.25 billion noong Hulyo, mas mataas ng 17.5 percent sa $12.97 billion year-on-year.
Comments are closed.