PH TRADE DEFICIT LUMOBO ($5.738-B noong Enero)

PSA-4

LUMAKI ang trade deficit ng bansa noong January 2023 makaraang mahigitan ng imports ang exports, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa preliminary data mula sa PSA, ang balance of trade in goods (BoT-G) ay nagtala ng $5.738-billion deficit, mas malaki kumpara sa $4.503-billion deficit noong Disyembre at sa $4.513-billion noong January 2022.

Ito ang pinakamalaking trade gap sa loob ng anim na buwan, magmula nang magposte ang bansa ng $6.430-billion deficit noong August 2022.

Ang total exports sales ay umabot sa $5.23 billion, bumaba ng 13.5 percent habang ang total imports ay lumago ng 3.9 percent sa $10.97 billion noong Enero.

Ayon sa PSA, ang top export partners ng bansa ay ang Japan, US, China, Hong Kong, Singapore, Thailand, Korea, Germany, Netherlands at Taiwan, habang ang imports ay pangunahing nagmula sa China, Indonesia, Jaan, Korea, US, Singapore, Thailand, Malaysia, Taiwan at Vietnam.

Pagdating sa export receipts, anim na commodity groups ang nagtala ng annual decreases, kung saan ang coconut oil ay bumaba ng 39.1%, cathodes ng 39.0%, metal components ng 19.8%, electronic products ng 19.2%, chemicals ng 14.6%, at other manufactured goods ng 11.9%.

Naitala naman ang paglago sa exports ng iba pang mineral products, 41.2%; gold ng 29.3%; machinery and transport equipment ng 20.7%; at ignition wiring sets ng 15.0%.

Naitala naman ang pinakamalaking pagtaas sa imports ng metalliferous ores at metal scrap sa 333.5%, sumusunod ang mineral fuels, lubricants, at related materials na tumaas ng 70.6%; telecommunication equipment, 15.2%; other food and live animals, 6.4%; transport equipment, 3.7%; industrial machinery, 3.4%; at miscellaneous manufactured articles, 2.2%.

Ang pagbaba ay naitala sa cereals and cereal preparations, 18.4%; electronic products ,12.9%; at iron and steel ng 7.7%.