PH TRADE DEFICIT TULOY SA PAGLAKI($4.596-B noong Disyembre)

PH TRADE DEFICIT

PATULOY na lumaki ang trade deficit ng bansa noong December 2022 sa kabila ng mas mabilis na pagbaba ng imports kumpara sa exports, ayon sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang balance of trade in goods (BoT-G) o ang pagkakaiba sa pagitan ng halaga ng exports at imports ay nagtala ng $4.596 billion deficit noong nakaraang December, mas malaki sa $3.709 billion noong November, subalit mas maliit sa $5.116-billion deficit na naitala sa kaparehong buwan noong 2021.

“Import receipts for the month posted an annual decline of 9.9% to $10.263-billion from $11.395 billion, also reflecting a decline from $10.809 billion in the previous month,” ayon sa datos ng PSA.

Ang mga pagbaba ay naitala sa imports ng iron and steel na bumagsak ng 41.7%; miscellaneous manufactured articles, 15.3%; transport equipment, 10.9%; electronic products, 10.8%; industrial machinery and equipment, 8.6%; telecommunication equipment, 1.3%; at other food and live animals, 1.0%.

Na-offset nito ang pagtaas sa imports ng metalliferous ores and metal scrap na lumago ng 542.9%; cereals and cereal preparations, 15.9%; at mineral fuels, lubricants, and related materials ng 13.4%.

Ang China ay nanatiling pinakamalaking supplier ng imported goods para sa buwan, na bumubuo sa $2.33 billion o 22.7% ng import receipts para sa buwan.

Sinundan ito ng Indonesia na may $1.07 billion o 10.4%, Japan na may $809.85 million o 7.9%; USA na may $699.75 million o 6.8%; at Republic of Korea na may $697.85 million o 6.8%.

Year-to-date, ang annual total import value ay nagkakahalaga ng $137.16 billion, katumbas ng 17.3% growth mula sa $116.88 billion na naitala noong 2021.

Samantala, nagtala ang exports ng 9.7% decrease sa $5.667 billion mula $6.278 billion noong December 2021, mas mababa rin kumpara sa $7.100 billion increase noong November.

Anim sa 10 major commodity groups ang nagposte ng annual decreases — coconut oil ng 39.5%; chemicals ng 24.7%; electronic products ng 13.9%; other manufactured goods ng 9.8%; metal components ng 3.0%; at electronic equipment and parts ng 2.7%.

Tumaas naman ang exports sa cathodes and sections of cathodes ng 69.1%; ignition wiring sets and other wiring sets ng 24.0%; other mineral products ng 13.2%; at machinery and transport equipment ng 12.4%.

Ang China rin ang may pinakamataas na export value para sa buwan sa $980.84 million o 17.3% ng kabuuan, kasunod ang USA na may $811.50 million o 14.3%; Japan na may $793.58 million o 14.0%; Hong Kong na may $569.93 million o 10.1%; at Singapore na may $346.41 million o 6.1%.

Year-to-date, ang annual export earnings ay nasa $78.84 billion, kumakatawan sa 5.6% increase mula $74.65 billion noong 2021.