PH TRADE GAP LUMOBO SA $3.12-B

PH TRADE DEFICIT-PSA

LUMAKI ang Philippine trade gap month-on-month noong Setyembre kung saan patuloy na nahigitan ng imports ng bansa ang exports, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos ng statistics office, ang balance of trade in goods (BoT-G)   ay lumobo sa $3.12-billion deficit noong Setyembre kumpara a $2.41-billion noong Agosto.

Gayunman ay mas maliit ito sa $3.93-billion deficit na naitala noong Setyembre 2018.

“A deficit indicates that the value of a country’s imports exceeded export receipts, while a surplus indicates more ex-port shipments than imports,” paliwanag ng PSA.

Iniulat ng PSA na ang total export sales ay nasa $5.90 billion, mas mababa ng  2.6% sa $6.05 billion noong nakaraang ta-on.

“This was due to decreases in export sales of seven of the top 10 major export commodities,” sabi pa ng statistics of-fice.

Ang pagbaba ay naitala sa exports ng metal components (-25.8%), articles of apparel and clothing accessories (-20.7%), machinery and transport equipment (-20.0%), miscellaneous manufactured articles (-8.1%), ignition wiring set and other wiring sets used in vehicles, aircrafts and ships (-7.0%); other manufactured goods (-6.3%); at gold (-1.8).

Ang import receipts ay bumaba ng 10.5% sa $9.02 billion mula $10.08 billion noong nakaraang taon.

“The decrease was due to the decrements in seven of the top 10 major import commodities,” dagdag ng PSA said.

Pinatutungkulan nito ang iron and steel (-46.8%); cereals and cereal preparations (-22.0%); mineral fuels, lubricants and related materials (-14.5%); plastics in primary and non-primary forms (-9.4%); transport equipment (-7.8%); elec-tronic products (-7.1%); at industrial machinery and equipment (-1.2%).  PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.