PH TROPICAL FOOD TAKES CENTERSTAGE IN JAPAN’S PREMIER FOOD TRADE SHOW

TROPICAL FOOD

TINIPON ng Department of Trade and Industry-Center for International Trade Expositions and Missions (DTI-CITEM) ang isang delegasyon ng 16 na Philippine exporters para ipakita ang mga sariwang prutas at tropical varieties ng bansa sa FOODEX Japan, mula sa Marso 5-8 na gaganapin sa Makuhari Messe sa Chiba, Japan.

Kasama sa food selections na ipapakita ng Filipinas ang tropical fruits, seafood at iba pang marine products, natural at organic products.

“Japan is one of our leading importers of Philippine fruits and other tropical products. As such, we are bringing 16 Philippine companies to showcase these finest selections in Japan’s biggest food show,” pahayag ni DTI-CITEM Executive Director Pauline Suaco-Juan.

Ang Japan ang pinakamalaking destinasyon ng export ng bansa para sa preskong pagkain at pangala-wang pinakamalaking merkado para sa processed food sunod sa United States noong 2018.

Kasama sa mga ipakikita o idi-display na tropical fruits sa Japan ay saging, niyog, durian, papaya, pinya, at mang­ga.  Naka-highlight din ang organic food, cakes at confectionery, tuna, hipon, at alimango, gayundin ang powdered juice drinks ng iba pang halaman.

Kasali sa delegasyon ang Agrinurture, Inc., Amley Food Corporation, Avante Agri-Products Philippines, Inc., Celebes Coconut Corp., Century Pacific Food, Inc., Citra Mina Canning Corporation, CJ Uniworld Corp., Coconut Cures, Inc., Mindanao Pacific Coconut Coop, Grand Asia Integrated Natural Coco Prod-ucts Corp, GSL Premium Food Export Corp., Leonie Agri Corp., Phil-Union Frozen Foods, Inc., Prime Fruits International, Inc., Profood International Corp., Seabest Food and Beverage Corp, at See’s Inter-national Food Mfg. Corp.

“With these 16 big companies, CITEM is confident this country participation will deliver our sales target and maintain the Philippines strong market presence in Japan,” sabi ni Suaco-Juan.

Noong 2018, 18 local firms sa ilalim ng  Food Philippines pavilion ang nakakuha ng USD 17.1-M halaga ng export orders. Para sa parating na partisipasyon, nais ng CITEM na lagpasan ang benta nang nakaraang taon ang kumita ng kahit USD 17.9 million export sales.

Ang FOODEX Japan ay kilala bilang major gateway sa Japanese market. Noong nagdaang taon, ang apat na araw na okasyon ang nakapag-welcome ang mahigit na  3,000 local at international exhibitors, gayundin ang mahigit na 82,000 mamimili mula sa food manufacturing, service, distribution, at trading sectors sa pandaigdigang food industry.

Ang partisipasyon ng DTI-CITEM sa FOODEX Japan 2019 ay nasa ilalim ng FoodPhilippines country brand at ang sektor ay organisado sa pakikipag-partner sa Philippine Trade and Investment Center (PTIC) ng Tokyo bilang isa sa pangunahing pagsisikap ng DTI na pagtibayin ang promosyon ng Philippine specialty food products sa trade shows sa ibang bansa.

Ang CITEM ay may pangako na mag-develop, gumabay at magtaguyod ng globally competitive small and medium enterprises (SMEs) sa pagpapatupad ng integrated approach sa export marketing sa pakikipagtulungan ng gob­yerno at ibang pribadong kompanya.

Para sa iba pang impormasyon sa kanilang serbisyo at iba pang kaganapan, please visit citem.gov.ph/foodex/.