PH TULOY SA PAG-ANGAT

DTI Secretary Ramon Lopez

PATULOY ang pag-angat ng Filipinas sa global ranking nito sa pinakabagong World Bank Logistics Per-formance Index (LPI) 2018 edition.
Mula sa 71st spot noong 2016, ang bansa ay tumalon sa 60th sa 160 bansa na binibigyan ng grado ayon sa kanilang trade logistics performance.
“We are now reaping the fruits of the government’s reforms and these are seen globally. Guided by President Rodrigo Duterte’s mandate for a better and more comfortable life for our countrymen, we have developed a program to improve logistics services in the country to address related issues, foster more investments, and generate more jobs,” wika ni Trade Secretary Ramon Lopez.
Ang Filipinas ay nagtala ng 2.9 LPI score noong 2018 kompara sa 2.86 score noong 2016. Nagtala ang bansa ng mga pagtaas sa apat sa anim na in-dicators:
1. International shipment indicator – sinusukat ang kaluwagan ng pagsasaayos sa ‘competitively priced international shipments’
2. Tracking and tracing – kakayahang subaybayan at tuntunin ang consignments
3. Infrastructure – sinusuri ang kalidad ng trade at transport-related infrastructure
4. Logistics competence – kagalingan at kalidad ng logistics services
Ang Transport and Logistics sector ay isa sa 12 industry priorities sa ilalim ng Inclusive Innovation-led Industrial Strategy (I3S) ng Department of Trade and Industry (DTI). Ang ahensiya ay aktibo sa pagtata-guyod sa sektor upang makaakit ng investments at nakapagpatupad ng mga reporma upang tugunan ang ‘reliability, high logistics cost, at customs procedures’.
“We are now focusing on facilitating solutions to issues on port congestion and high shipping cost,” pa-hayag ni Competitiveness and Ease of Doing Business Undersecretary Rowel Barba.
Ang DTI-Competitiveness Bureau (DTI-CB) ay nakikipagtulungan sa pribadong sektor upang baguhin ang logistics ser-vices sector sa pamamagitan ng regulatory reform, assurance of quality, communica-tion, at know­ledge management (TRACK ­program).

One thought on “PH TULOY SA PAG-ANGAT”

Comments are closed.