PH, UAE PINALAKAS ANG INTERNATIONAL LEGAL COOPERATION

Ang Pilipinas at Uni­ted Arab Emirates ay nagsagawa ng negosas­yon para sa Treaties on Extradition, Mutual Legal Assistance in Criminal Matters at Transfer of Sentenced Persons sa pagitan ng dalawang bansa sa Maynila ka­makailan.

Ang Extradition ay ang pormal na proseso kung saan ang isang estado ay inilipat ang isang tao sa ibang estado upang litisin, ipataw, o bunuin ang sentensya para sa isang kasalanang nagawa sa hurisdiksyon ng huling estado.

Ang Mutual Legal Assistance in Criminal Matters ay ang pormal na proseso kung saan ang mga Estado ay humihiling o nagbibigay ng tulong sa pagsisiyasat at paglilitis ng mga kaso at sa mga prosesong may kaugnayan sa mga kriminal na usapin.

Ang Transfer of Sentenced Persons ay nagbibigay-daan sa mga mamamayan na nahatulan ng krimen sa ibang bansa na makapaglingkod ng natitirang sentensya sa kanilang sariling bansa.

Ang layunin nito ay mapadali ang epektibong rehabilitasyon at reintegrasyon ng sentensiyadong tao pabalik sa lipunan.

Ang delegasyon ng Pilipinas ay binubuo ni­na Chief State Counsel Dennis Arvin L. Chan, bilang pinuno ng dele­gasyon, Assistant Chief State Counsel Mildred Bernadette B. Alvor at State Counsels Rosalie R. Cumla, Florina C. Agtarap, Angelica Rose C. Dimalanta, Eduardo M. Vinuya at Khemle Jane T. Visca-Martino at mga opisyal mula sa Department of Foreign Affairs na sina Atty. Sheila Mae A. Briones at Carlo Jejomar Pascual P. Sanchez.

Ang delegasyon ng UAE ay pinamunuan ni Judge Abdulrahman Murad Hasan Murad Alblooshi, Assistant Undersecretary ng International Cooperation and Legal Affairs, Ministry of Justice kasama sina Mohamed Yousif Mohamed Mudhaffar Alhammadi, Sultan Hamad Alaryani, Mohammed Obaid Rashed Sultan Almannaee, Humaid Salem Rashed Alkhadhar Alshamsi, Suhail Musabbeh Salem Tuaib Alketbi, Hamad Ibrahim Hasan Ibrahim Albeshr, Moodhi Ahmad Mohammad Ibrahim Altamimi, Fatema Ali Hasan Suwaid Alali, Kholoud Omar Saeed Bakhit Alneyadi, Mohammed Saeed Rashed Saeed Alneyadi, Hamad Abdulla Qudhaib Altjer Alzaabi at Obaid Abdood Alsheshi.

Kinilala ng DOJ ang mahalagang suporta sa negosasyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa pamamagitan ni Atty. Matthew M. David, Executive Director ng AMLC Secretariat.

Magsasagawa ng isa pang round ng negosas­yon para sa kasunduan sa paglipat ng mga sentensiyadong tao ang Pilipinas at United Arab Emirates.

RUBEN FUENTES