PH-US TIES NAGIGING MATATAG

TIWALA si Speaker Martin G. Romualdez (Leyte 1st Dist.) na patuloy na magiging matatag at malakas ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ginawa ng pinuno ng Kamara ang pahayag nang pangunahan ang grupo ng mga mambabatas sa pagsalubong sa five-member United States (US) delegation, na pinamumunuan naman ni Sen. Edward John Markey (Democrat-Massachusetts), kaugnay sa pagdaraos ng US-Philippines Congressional Delegation Friendship Caucus sa Manila Golf and Country Club, Makati City kamakalawa.

“We extend our deep appreciation to your delegation for giving us this opportunity to fortify our engagements with the US Congress on matters beneficial to the Philippines and the United States,” ang naging pahayag pa ni Romualdez.

Bilang kinatawan ng Leyte province, nagpaabot din ng kanyang lubos na pasasalamat ang House Speaker sa Amerika bilang isa sa first responder-countries nang manalasa ang Super Typhoon Yolanda sa Eastern Visayas region noong November 2013.

“Indeed your presence here means a lot to us. It is an opportunity for us to further deepen and strengthen our ties of friendship and manifest our deep appreciation for the strong support and for all the assistance during our crises after Typhoon Haiyan in my district,” ang sabi ni Romualdez.

“The relationship is getting stronger despite all the crises that we faced in the international arena. I know this relationship will endure and help us here stay the course, moving forward peace, prosperity and progress, not just in the Philippines, but in the region and of course with our partner, the United States,” dugtong pa niya.

Tiniyak ni Romualdez sa delegasyon ni US Sen. Markey na patuloy na nag-aalab ang apoy sa puso ng bawat sambayanang Pilipino, na nagsimula pa sa matagal nang matibay na ugnayan sa pagitan ng mga mamamayan ng Pilipinas at Amerika.

“Our people split their blood here in the hills of Bataan and that soil fertilized that relationship, that blood of US and American soldiers. These are the ties and binds that go deep and very well rooted in our conscience. I’d like to say thank you again, and welcome to the Philippines and we wish you come and visit us more often, thank you,” pagtatapos ni Romualdez sa kanyang short speech.

Samantala, kumpiyansa rin ang Leyte province solon na ang pagbisita ng US lawmakers ay makatutulong upang lalong mapalawak at mapatatag ang samahan ng dalawang bansa at magpapalakas din ito sa bilateral initiatives ng PH-US alliance.

Kabilang na rito ang isinagawa nilang American-Filipino legislators’ Friendship Caucus, na siyang naging daan upang mapanatili at mapasigla ang US-Philippine cooperation partikular sa larangan ng political, economic, at security issues, kasama na ang pagtugon sa domestic needs and concerns ng Filipino-Americans na naninirahan sa iba’t-ibang panig ng United States. ROMER R. BUTUYAN