TINIYAK ni Chinese President Xi Jin Ping kay Pangulong Rodrigo Duterte na prayoridad ang Filipinas sa nililikha nilang bakuna dahil ang bansa aniya ay isang “friendly neighbor”.
Nagkausap sa telepono sina Duterte at Xi, ayon sa Palasyo ng Malakanyang Huwebes ng gabi na tumagal ng 38 minuto.
Tinalakay ng dalawa ang progreso ng paglaban sa COVID-19 at ang magiging istratehiya sa pagbabalik ng ekonomiya.
Kapwa rin nagbigay ng commitment ang dawalang lider sa paglaban sa COVID-19.
Binanggit ni Duterte kay Xi ang kahalagahan ng kooperasyon sa pagsasagawa ng research trials para sa COVID-19 vaccine development.
Kahapon sa pinakahuling ulat ng Department of Health ay naitala ang 280 na panibagong gumaling sa COVID-19 sa bansa sa nakalipas na 24-oras.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang alas-4:00, Huwebes ng hapon, pumalo na sa 5,454 ang total recoveries sa Filipinas.
Sumampa naman sa 24,787 ang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 615 pa na dagdag na kaso.
Sa nasabing bilang, 336 ang “fresh cases” habang 279 naman ang “late cases”
Labing-anim naman ang nadagdag na nasawi dahil sa COVID-19.
Dahil dito, ang COVID-19 related deaths sa bansa ay umabot na sa 1,052. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.