PH VEHICLE SALES TULOY SA PAGLAGO

MODERN JEEPNEY

PATULOY na nagtala ng double-digit growth ang vehicle sales noong Marso, ayon sa datos na inilabas ng mga manufacturer.

Sa joint report ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at ng Truck Manufacturers Association (TMA), ang total new motor vehicle sales noong Marso ay pumalo sa 36,880 units.

Mas mataas ito ng 24.2% kumpara sa 29,685 units na naibenta noong March 2022, at mas mataas ng 19.3% kaysa 30,305 units na naibenta noong February 2023.

“It is worth noting that the March 2023 sales performance is the second-highest monthly performance in a post-pandemic time, after the more than 37,000-unit sales level recorded in December last year,” wika ni CAMPI President Atty. Rommel Gutierrez.

Ang pinakamaraming nabentang units ay sa commercial vehicles na may 26,822 units; sumusunod ang light commercial vehicles (LCVs) na may 20,644; passenger cars na may 10,058; Asian utility vehicles (AUVs) na may 5,205; light trucks, 453; at trucks and buses, 520 units.

Sa latest figures ay umabot sa 97,824 units ang naibenta sa first quarter, na katumbas ng 30.1% paglago kumpara sa kaparehong panahon noong 2022.

Naunang sinabi ng mga manufacturer na kumpiyansa sila na makapagtatala ng 10% hanggang 15% paglago ngayong taon mula 352,596 units na naibenta noong nakaraang taon.