PH VS INDONESIA SA KRUSYAL NA LARO

Laro ngayon:
(Manahan Stadium, Surakarta)
9 p.m. — Indonesia vs Philippines

BAWAL matalo ang Pilipinas, nagkakasya sa draw, laban sa Indonesia kung saan nakataya ang isang semifinal berth sa huling ASEAN Mitsubishi Electric Cup group stage match nito ngayong gabi sa Surakarta.

Nakatakda ang laro sa alas-9 ng gabi (8 p.m. sa Pilipinas) sa Manahan Stadium.

Ang mga Pinoy ay muling nagtapos sa draw, sa pagkakataong ito ay kontra Vietnam, 1-1, noong Miyerkoles sa Rizal Memorial Stadium.

May pag-asa pa ang Pilipinas, na hindi maaaring matalo sa Garuda, na sa 4 points ay angat ng isang puntos sa mga Pinoy sa second place.

Kailangan ding umasa ang Pilipinas sa draw sa pagitan ng Vietnam, nangunguna sa Group B table na may 7 points, at Myanmar, na kapantay ng Indonesia na may 4 points, upang umabante.

Ang panalo ng mga Pinoy kontra Garuda na sasamahan ng panalo o draw ng Golden Star Warriors laban sa Myanmar ay magbibigay sa Pilipinas ng unang semis appearance nito magmula noong 2018.

Nang tanungin hinggil sa pagsuko ng tatlong goals mula sa set pieces, sinabi ni coach Albert Capellas na: “I never will blame a player for a mistake. Never. All of them they have my hundred percent support. A player who does not play is a player who does not commit a mistake. Football is a game of mistakes.”

“It’s nothing about set pieces. It’s about respecting the players who play,” dagdag pa niya.

Isasantabi na lamang ng mga Pinoy ang huling tatlong draws sa kanilang muling pagtatangka na makopo ang mailap na panalo sa road.

Ang defending champion Thailand ay pasok na sa semifinals na may perfect nine points mula sa tatlong Group A matches na nilaro.

Makakasagupa ng War Elephants ang No. 2 side sa Group B kapag nanalo sila sa kanilang pool.