SISIMULAN ng Pilipinas ang kampanya nito sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup for Women sa pagharap sa Vietnam ngayong Linggo sa PhilSports Arena.
Target ng national women’s team ang magandang simula, lalo na’t mapapalaban ito sa young Vietnamese, para makakuha ng eksperyensiya sa torneo sa harap ng Filipino fans sa alas-7 ng gabi.
Bukod kay skipper Alyssa Valdez, na hindi makapaglalaro dahil sa dengue at pinalitan ni outside spiker Rizza Mandapat, ang hosts ay sasalang na wala rin si middle blocker Risa Sato, dahil sa health issues at papalitan siya ni rookie Lorie Bernardo.
Binubuo ng core ng newly-crowned Premier Volleyball League champion Creamline, ang Pilipinas ay sasandal sa subok nang chemistry nito, sa pangunguna nina starters Jia de Guzman, Tots Carlos, Ced Domingo, Jema Galanza, Jeanette Panaga at Michele Gumabao.
“We have setbacks because of health issues, but we are very positive,” sabi ni Gumabao sa press conference kahapon sa Discovery Suites.
“We look forward in playing tomorrow. We are one team, one professional team. I think we are already jelled and know each otther. That’s one of our greatest advantage in the tournament,” dagdag ng veteran opposite spiker.
Matapos ang pahinga sa Lunes, makakasagupa ng Pilipinas ang five-time winners China sa Martes, ang Iran sa Miyerkoles bago tapusin ang pool play stint nito kontra South Korea sa Huwebes.
Target ng national women’s team na maging isa sa top four teams sa Pool A para makapasok sa quarterfinals. Ang fifth-placed team sa Pool A ay magtatapos sa ninth place.
“We have to opportunity to play in an international setting. It will be a challenge for us,” ani Gumabao. “We are also young in terms of international play. We are here to learn. We want you to be everybody proud.”
Ang Pilipinas ay tumapos sa ninth sa pinakahuling edisyon sa Nakhon Ratchasima, Thailand noong 2018. Walang AVC Cup for Women noong 2020 sanhi ng Covid-19 pandemic.
Ang Pool B ay binawasan sa apat na koponan makaraang umatras ang Kazahkstan. Ang Japan, Thailand, Chinese-Taipei at Australia ang bumubuo sa Pool B.