NAGKASYA ang Pilipinas sa silver medal makaraang matalo sa Indonesia, 2-3, sa finals ng inaugural Asia Pacific Padel Cup sa Amare Padel Club Umalas sa Bali, Indonesia noong Linggo.
Makaraang yumuko sa mga Pinoy sa group stage, 1-4, ang Indonesians ay rumesbak sa laro na pinakamahalaga sa lahat.
Giniba ng Pilipinas ang Malaysia, 4-0, habang dinispatsa ng Indonesia ang India, 4-0, sa semifinals.
Ginapi ng India ang Malaysia, 3-0, upang kunin ang bronze medal habang naungusan ng Singapore ang Hong Kong, 3-2, sa bakbakan para sa fifth.
Sa group stage ay binokya ng Pilipinas ang India (5-0), Malaysia (5-0), Hong Kong (5-0) at Singapore (5-0).
Pinangunahan ni Padel Pilipinas president Senator Pia Cayetano ang koponan na binubuo nina Tao Yee Tan, Princess Jean Naquila, Yam Garsin, Marian Capadocia, siblings Duane and Derrick Santos, Argil Lance Cañizares, Raymark Gulfo, Abdulqoahar Allian, Bryan Saarenas, Mhar Joseph Serra, at coaches Bryan Casao at Jaric Lavelle.
“We wanted to be number 1. But we accept that there are lessons to be learned and we learn them best during the hard times,” wika ni Cayetano.
Samantala, idaraos ng Padel Pilipinas ang Play Padel Open sa October, ang huling torneo nito sa ilalimng Philippine Islands Padel Tour.
Ang Padel Masters sa November ay tatampukan ng top players base sa kanilang rankings mula sa mga nakaraang torneo sa ilalim ng Tour.