PH WATER POLO TEAM TUMABLA SA INDONESIA

PH water polo

NAGPAKITA ng matinding katatagan ang host Philippines nang maipuwersa ang 6-6 draw sa Indonesia noong Martes sa pagsisimula ng kampanya nito sa men’s water polo ng 30th Southeast Asian Games sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac.

Naghabol ang mga Pinoy, 4-5 at 5-6, sa fourth at final quarter subalit nakahanap ng paraan para itabla ang talaan at ihatid ang laro sa draw.

Umiskor sina Vincent Sicat at Paolo Serrano ng tig-isang penalty goal upang maipuwersa ang raw.

“This was a big result considering it was Indonesia, the 2017 silver medal winner,” wika ni Philippine team head coach Rey Galang.

Susunod na makakasagupa ng mga Pinoy ang Malaysians, ang bronze medalists sa Kuala Lumpur, ngayong araw.

Matapos nito ay makakaharap ng Filipinas ang reigning titlist Singapore sa Biyernes, pagkatapos ay tatapusin ang torneo sa pakikipagsalpukan sa Thailand, na naunang dinurog ang Malaysia, 19-5.

Ang magwawagi sa single-round robin tournament  ang mag-uuwi ng ginto.

Comments are closed.