TULAD ng inaasahan, winalis ng Filipinas ang 3×3 basketball titles sa 30th Southeast Asian Games kahapon.
Pinulbos ng Gilas Pilipinas ang Vietnam, 21-9, habang gumanti ang women’s squad ng host nation sa Thailand, 17-3, upang madominahan ang event na nilaro sa unang pagkakataon sa biennial meet sa FilOil Flying V Arena sa San Juan.
Naitala ng Gilas ang unang walong puntos tungo sa 13-5 kalamangan at sinelyuhan ang korona nang maipasok ni Moala Tau-tuaa ang isang basket, may 3:14 na lamang ang nalalabi.
Tumabla ang Gilas women sa Thailand sa 5-all sa kaagahan ng laro bago bumanat ng 10-1 run para sa 16-6 count. Kumana si Afril Bernardino ng pitong puntos sa decisive run at naiganti ng mga Pinay ang 20-22 pagkatalo sa mga kamay ng Thais sa eliminations.
Kinuha ng Malaysia ang women’s bronze medal sa pamamagitan ng 21-7 panalo kontra Vietnam, habang ginapi ng Vietnam ang Thailand, 21-27, para sa men’s bronze medal.
Dinispatsa ng Gilas women ang Vietnam sa semifinals, 21-12, habang naiganti ng Thailand ang kanilang elimination loss sa Malaysia via 16-14 win upang umabante sa gold medal match.
Comments are closed.