ISA SA combat sports na inaasahang magbibigay ng medalya, bukod sa boxing, taekwondo, at judo, sa Southeast Asian Games ay ang wrestling.
Kumpiyansa si Wrestling Association of the Philippines (WAP) president Alvin Aguilar sa kampanya ng kanyang mga palaban at battle-tested wrestlers sa 30th edition ng 11-nation biennial meet na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
“Like other athletes from different National Sports Associations taking in the SEA Games, their ultimate goal is to win and contribute to the medal campaign and give their countrymen something to cheer,” sabi ni Aguilar.
“They will be more determined and inspired because the SEA Games will be held in our territory. For sure, they will do their very best to win for flag and country and share the limelight with their fellow victorious athletes,” sabi pa ni Aguilar.
Kamakailan ay nagpunta si Aguilar sa National Sports Association (NSA) Affairs office ng Philippine Sports Commission (PSC) dala ang pangalan ng mga sasabak sa SEA Games.
Sinabi ni Aguilar na regular na nag-eensayo ang kanyang mga bataan upang manatili sa porma.
Aniya, hasang-hasa ang kanyang tropa at malawak ang karanasan sa pakikipaglaban kontra mga bigating foreign rivals.
Nang tanungin ang magiging mahigpit na kalaban ng mga Pinoy, binanggit ni Aguilar ang Vietnam.
“Other wrestlers are strong capable of winning medals. I singled out the Vietnamese as our strongest and toughest rivals. Our wrestlers are well-honed and well-trained and mentally and physically prepared to face all the challenges,” ani Aguilar.
Kabilang sa mga inaasahang mag-uuwi ng gold medal sina Alvin Lobreguito, Jason Baucas, Henry Foy-O, Noel Norada, Ronil Tubog, Jason Balabal, Johnny Morte, Margarito Angana, Jefferson Manatad, Maybeline Masuda, Vince Ortiz, at Maria Aisa Ratcliff.
“Lahat ng wrestlers natin ay may kakayahang manalo. May tiwala ako sa kanilang kakayahan dahil pinaghandaan nila ito at lumaban sila sa iba’t ibang wrestling competitions,” dagdag pa niya.
Nasa 26 wrestlers ang kakatawan sa bansa sa SEA Games, kasama sina Noemi Tener, Francis Villanueva, Grace Loberanes, Minalyn Foy-Os, Michael Vijay Cater, Allen Mitch Arcilla, Joseph Angana, Jiah Pingot, Joffer Callado, Rogelyn Parado, Anthony Arcilla, Kai Guingona, Shelly Avelino, at Justin Ceriola. CLYDE MARIANO
Comments are closed.