PH WRESTLERS KUMPIYANSA SA SEAG

Alvin Aguilar

SA MGA combat sport ay ang wrestling ang pina­kamatagumpay sa Southeast Asian Games kung saan may average ito na walo hanggang siyam na gold medals.

Kumpiyansa si Wrestling Association of the Philippines president Alvin Aguilar na mapananatili ng kanyang mga bataan ang tagumpay lalo pa’t sa bansa gaganapin ang biennial meet sa Nobyembre.

“Wrestling is the most successful among the combat sports and I am confident they will live up to expectation. They cannot afford to lose and they will do ­everything to please their countrymen who will watch them fight,” sabi ni Aguilar sa eksklusibong panayam.

“Hasang-hasa ang ating mga wrestler at malawak ang karanasan sa pakikipaglaban sa maraming international wrestling tournaments. Confident ako na kaya nilang manalo kahit sino ang kalaban,” wika ni Aguilar.

Ayon kay Aguilar, ang mga wrestler ang ‘best bet’ para sa gold. Ang mga ito ay kinabibilangan nina Alvin Lobreguito, Jason Baucas, Henry Foy-O, Noel Norada, Ronil Tubog, Jason Balabal, Johnny Morte, Margarito An-gana, Jefferson Manatad, Maybeline Masuda, Vince Ortiz at Maria Aisa Ratcliff.

“Lahat ng wrestlers natin ay may kakayahang manalo. Itong mga pangalan na nabanggit ko ang malakas. I will bet my last centavo for these wresters. I have trust and confidence on them, they can do it,” sabi pa ni Aguilar.

Nasa 26 wrestlers ang kakatawan sa Pinas sa SEA Games, kasama sina Noemi Tener, Francis Villanueva, Grace Loberanes, Minalyn Foy-Os, Michael Vijay

Cater, Allen Mitch Arcilla, Joseph Angana, Jiah Pingot, Joffer Callado, Rogelyn Parado, Anthony Arcilla, Kai Guingona, Shelly Avelino, at Justin Ceriola.

Para kay Aguilar, ang Vietnam ang magiging mahigpit na katunggali ng mga Pinoy.

“They are our toughest rivals. I am confident our wrestlers can handle them, “ dagdag pa niya. CLYDE MARIANO

Comments are closed.