PH WUSHU ATHLETES WALANG PAHINGA

Wushu

NAKATAKDANG dumating ang Pinoy wushu athletes sa ­Setyembre matapos ang apat na buwang pagsasanay sa China at ipagpapatuloy nila rito ang kanilang paghahanda sa 30th Southeast Asian Games.

“Babalik na sila sa September at dito nila gugugulin ang natitirang dalawang buwang ensayo bago sumabak sa SEA Games,” sabi ni Wushu Federation of the Philippines secretary general Julian Camacho sa panayam sa kanya ng PILIPINO  Mirror.

“Very productive ang four-month training. Marami silang natutunan at lumawak ang karanasan sa Chinese coach. Ang training sa China ay malaking bagay sa kanilang medal campaign sa SEA Games,” wika ni Camacho.

Ang mga atleta sa sanda ay nag-ensayo sa Chingdo habang ang mga atleta sa taolou ay nagsanay sa Fuzhou sa ilalim ng Chinese coach.

Nag-training sa ­Chingdo sina Jessie Alegada, Arnel Mandal, Divine Wally, Francisco Solis, Clemente Tabugara, Carlos Baylon, Gideon Padua, Russell Diaz at Jennifer Kilapyo, habang ang taolou artists na nagpakadalubhasa sa Fuzhou ay kinabibila­ngan nina Daniel Pa­rantac, Thornton Sayan, ­Agatha Christenzen Wong, Janzen Gajo at Vincent Ventura.

Bukod sa training ay sumali rin ang mga Pinoy sa local tournaments para mahasa at  madagdagan ang kanilang kaalaman.

“Ang apat na buwang training ay mala­king investment sa kanilang kampanya na manalo ng maraming ginto, pilak at tanso. Magiging inspirado sila at pipiliting manalo sa kanilang pet events,” dagdag ni Camacho.

Laging nananalo ang mga Pinoy mula nang isama ang wushu sa SEA Games at umaasa si Camacho na mapananatili nila ang kanilang winning tradition sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinamunuan ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

“Wushu is medal producer in the SEA Games. I am confident they will live up to expectation. They cannot afford to lose in the presence of their countrymen who will be watching them for the first time,” sambit ni Camacho.

Ang wushu ay kasama sa priority sports ng PSC at kabilang sa 56 sports na lalaruin sa 11-nation biennial meet na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11. CLYDE MARIANO

Comments are closed.