PHARMALLY EXEC POSIBLENG MAHARAP SA PERJURY

POSIBLENG  maharap sa kasong perjury si Pharmally Pharmaceutical Corporation Executive Krizle Grace Mago matapos nitong bawiin ang naunang pahayag sa naunang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa pagbili ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) gamit ang inilipat na pondo ng Department of Health (DOH).

Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ay humarap si Mago kasabay ng pag-retract nito sa mga naunang pahayag sa Senado.

Natanong ni Good Government and Public Accountability Chairman Michael Edgar Aglipay si Mago kung handa itong makasuhan ng perjury dahil sa pagbawi sa mga pahayag.

Binawi ni Mago ang mga naunang kumpirmasyon sa Senado na “tampered” o dinoktor nila ang production date ng mga faceshields at hindi rin totoo na inutusan siyang gawin ito ni Pharmally Treasurer Mohit Dargani.

Wala rin aniyang katotohanan na niloko nila ang gobyerno sa mga na-i-deliver na face shields at sa katunayan ay sinuri pa aniya nila ang mga face shields at agad na naihiwalay ang mga damaged items habang ni-repack naman ang mga maaayos ang kondisyon.

Sa prosesong ito nangyari aniya ang pagkahalo-halo ng mga product certificates, pero malinaw umano sa dalawang dokumento na hindi expired ang kanilang faceshields.

Aniya, dala ng “pressured response” mula sa mga senador kaya kinatigan niya ang “swindling” ng Pharmally sa gobyerno.

Maliban sa pressure ay natakot din siya sa maaaring sapitin lalo’t may banta na maaari siyang ma-contempt o maaresto tulad sa nangyari kay Pharmally Director Linconn Ong.

Batid ni Mago na maaaring maharap siya sa kasong perjury dahil sa pabago-bagong testimonya ngunit nakahanda aniya siyang harapin ito.

Samantala, kinumpirma naman ni Aglipay na tatagal ng dalawang buwan ang kustodiya ng Kamara kay Mago. Conde Batac

10 thoughts on “PHARMALLY EXEC POSIBLENG MAHARAP SA PERJURY”

  1. I used to be suggested this website by means of my cousin.
    I’m no longer certain whether this submit is written via him as nobody else understand such certain approximately my problem.
    You’re wonderful! Thanks!

  2. 338267 79539Ive writers block that comes and goes and I want to find a strategy to get rid of my writers block. It can occasionally be so bad I can barley make sentences. Any suggestions? 506607

Comments are closed.