PHARMALLY PRESIDENT PINALAYA NG SENADO

PINALAYA na ng Senado si Pharmally Pharmaceutical Corporation president Twinkle Dargani matapos itong makulong nang ilang buwan makaraang i-contempt.

Kinumpirma ni Se­nate President Vicente Sotto III na pinalabas na ng Senate premises si Dargani sa kondisyong dadalo ito sa mga pagdinig sakaling ipatawag ng Senado.

Nauna nang aprubahan ni Sotto ang release order ni Dargani dahil sa umano’y lumalalang ‘mental health condition’ nito.

Dumiretso si Dargani sa bahay ng kanyang ina sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Samantala, nanatili namang nakakulong sa Pasay City Jail ang kapatid nitong si Mohit Dargani na isinasangkot sa maanomalyang transaksiyon ng gobyerno sa pagbili ng PPEs sa kumpanyang Pharmally. LIZA SORIANO