NAGPATULOY ang “build back better” drive ng gobyerno matapos ang pagpapasimula sa Phase 2 ng dredging operation sa bahagi ng Marikina River na dumadaloy sa Barangay Santolan sa Pasig City.
Ayon kay Environment Secretary at Task Force Build Back Better (TF BBB) chair Roy A. Cimatu, layunin ng ikalawang bahagi ng river dredging project na maisaayos ang daloy ng tubig sa Marikina River at mapigilan ang panganib ng pagbaha dahil sa malalakas na pag-ulan.
“With the dredging operations, we can expect the water to subside faster should another flooding occur. The continuous dredging and widening of the river will help minimize flooding,” saad ni Cimatu sa ginanap na launching ceremony noong Hulyo 21.
“Once Phase 2 of this project is completed, I am confident that waterways will be restored to their original width and legal easements will be recovered resulting in safer and more resilient communities against the effects of climate change,” dagdag nito.
Tiniyak din ng DENR chief na walang maaapektuhang kabahayan sa bahagi ng Marikina River na nasa Pasig City sa gagawing dredging operations.
“During our meeting with Pasig City Mayor Vico Sotto, it was made clear that other than the multi-purpose building under the Ortigas bridge, no houses will be affected by the project,” sabi ni Cimatu.
Idinagdag pa nito na ang TF BBB ay makikipagpulong sa lokal na pamahalaan ng Quezon City upang pag-usapan ang posibleng maging epekto ng dredging activities sa mga informal settler families na naninirahan sa dredging area at ang resettlement process para sa mga maaapektuhan ng operasyon.
Kinilala rin ni Cimatu si Public Works and Highways Secretary at TF BBB co-chair Mark Villar para sa paglalaan ng dredging equipment para sa Marikina River at iba pang prayoridad na lugar.
Kinilala rin nito ang pagsisikap ng mga lokal na pamahalaan bagaman mayroong mga operasyon na kinakailangan ng pakikilahok ng national government.
Nasaksihan naman ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro ang magandang epekto ng dredging operation sa bahagi ng Olandes sa Marikina River na nagresulta sa mabilis na daloy ng tubig.
“Mayor Teodoro explained the effect of what we have done in Marikina River. He said that the velocity of water in the river is faster now than before, which means the flooding in Marikina will subside faster,” sabi ni Cimatu.
Sa ilalim ng Executive Order 120 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Nobyembre 2020, ang TF BBB ang mangangasiwa sa rehabilitasyon ng mga lugar na hinagupit ng mga bagyong Rolly at Ulysses kabilang na rito ang Cagayan River, Bicol River at Marikina River. BENEDICT ABAYGAR, JR.
495824 385057I conceive this web internet site has got some really excellent info for everyone : D. 811057
86120 802842Id forever want to be update on new articles on this internet site, bookmarked ! . 994592
843417 342875Id constantly want to be update on new content material on this website, bookmarked! 697233