PHI-NADO SA PSA FORUM

Philippine Sports Association

IPALILIWANAG ng Philippine National Anti-Doping Agency (Phi-NADO) ang desisyon nito na kuwestiyunin ang alegasyon na hindi pagsunod sa international standard for code compliance ng World Anti-Doping Agency sa pagbisita ng key officials ng grupo sa weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes.

Makakasama nina Phi-NADO chairman Dr. Alejandro Pineda Jr. at  Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann  sina Nathan Vasquez at Alethea Laquindanum sa 10:30 a.m. session sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.

Ang desisyon ng Phi-NADO na labanan ang alegasyon ng WADA ang nag-udyok sa international doping agency na idulog ang kaso sa  Court of Arbitration for Sports (CAS).

Ang public sports program ay itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, PLDT/Smart, at ArenaPlus.

Hinihikayat ni PSA President Nelson Beltran, sports editor ng The Philippine Star, ang mga miyembro na dumalo sa Forum na naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ito sa kanilang official Facebook page.