PHIL ABACA MAS LUMAWAK PA

abaca

LUMAWAK ang Philippine abaca output noong 2018 ng 6 na porsiyento habang ang pinanatili pa ng bansa ang status nito bilang pinaka-unang producer ng natural fiber sa pagsisikap ng matugunan ang tumataas ng demand nito sa pandaigdigang merkado.

Sa datos na ini-release ng Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFida), nakita na ang produksiyon ng abaca noong nagdaang taon ay umabot sa 76,259.38 metric tons (MT), 4,313.34-MT na taas na 71,964.04 MT na nairekord na volume noong 2017.

Ang pagtaas ng produksiyon ay  iniuugnay ni PhilFida Executive Director Kennedy T. Costales sa mataas na buying prices para sa natural fiber, na ngayon ay nasa “all-time high,” dahil sa kakulangan ng supply.

Ito, ayon kay Costales, ay nadagdagan pa ng paglipat ng copra farmers na mag-ani pa ng mas maraming abaca para makinabang sa kita.

“The demand for abaca is so high, and the prices are high at the same time [which would drive production to increase]. Also, we are now campaign-ing for the production of good-quality fibers, which are being bought at better prices compared to copra now,” pahayag ni Costales sa naunang panayam.

“You can earn as much as P120 per kilogram in abaca now, which is a clear at least P1,000 income for every 10 kilos harvested per day,” dagdag niya.

Sinabi rin ng PhilFida executive na mayroong shortage sa supply ng nasa 25,000 MT sa demand na ang Filipinas, ang pangunahing producer ng natural fiber, ay pinipilit na tugunan.

Nasa 90 porsiyento ng abaca output ng bansa ay ini-export sa ibang bansa bilang raw fiber at ibang produkto, ayon kay Costales.

“The momentum in demand is there, hence, prices would not drop in 10 to 20 years time,” sabi niya.

“Everybody right now, most especially the First World countries, are conscious of the environment and are looking for substitutes petroleum-based products. And they are looking for abaca,” dagdag pa niya.

Ang huling datos na ini-release ng PhilFida ay  nagpakita na ang Bicol region ay nananatiling top producer ng natural fiber na nakapag-account ng 33.78 porsiyento ng kanilang 2018 output. Pero ang produksiyon sa rehiyon ay bumaba ng kaunti sa 25,767.92 MT, mula sa 25,798.77 MT na nairekord ng 2017.

Ang rehiyon ng Davao ang nairekord ng pangalawa sa  pinakamalaking producer ng abaca, na bumibilang ng  18 porsiyento ng total output. Ang output sa Davao region ay lumago ng 10.2 porsiyento hanggang 13,728.57 MT mula sa 12,460.20 MT.  JASPER EMMANUEL Y. ARCALAS

Comments are closed.