NUEVA ECIJA- TINIYAK ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner, Jr., na higit pang palalakasin ang kapasidad at isusulong ang karagdagang air assets ng Army’s Aviation “Hiraya” Regiment.
Habang patuloy ang ginagawang pagsasanay ng kanilang Aviation Regiment bilang paghahanda sa acquisition ng karagdagan air assets.
Ginawa ni Brawner ang pahayag sa pagbisita nito sa Fort
Magsaysay, Palayan City sa Nueva Ecija na target nitong magkaroon ng close air support, casualty evacuation at re-supply assets ang kanilang aviation unit na maaring i-deploy anumang oras.
Aniya, gagawin nito ang lahat para makabili ng mga nasabing air assets dahil malaking tulong ito sa kanilang operasyon.
Sa isinagawang command visit ng Army Commanding General, binigyang-diin nito sa “Hiraya” aviators ang kaniyang tatlong thrusts at dalawang task encapsulated sa command guidance “SERVE.”
Siniguro ni Brawner na kanyang tutukan ang physical at mental health ng mga sundalo, palakasin ang kanilang skills and unit competencies at iba pang resources para ma-capacitate ang troops mission and accomplishment. VERLIN RUIZ