PHIL. ARMY, COMELEC NAGPULONG PARA SA BSKE

NAKIPAG-UGNAYAN si Army Commanding General Lt. Gen. Roy M. Galido kay Commission on Elections (COMELEC) Chairperson Atty. George Erwin M. Garcia para talakayin ang gagampanang papel ng Hukbong Katihan sa malalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan election (BSKE).

Tiniyak ni Galido sa COMELEC ang kanilang suporta para masiguro na maidaraos ng maayos at mapayapa ang gaganaping BSKE sa darating na Oktubre 30.

Ayon kay Galido gaya ng mga nagdaang election malaki ang ginagampanang papel ng mga sundalo para sa ligtas na pagdaraos ng halalan.

Ikinagalak naman ni Garcia ang naging pagkikita nila ni Galido at pagtalakay sa mga isyu na may kinalaman sa eleksyon na ginanap sa sa Palacio del Gobernador, General Luna St, Intramuros, Manila. VERLIN RUIZ