PHIL ARMY KAMPEON SA ROTC GAMES NATIONAL FINALS

HUMAKOT ang Philippine Army ng kabuuang 20 gold, 16 silver at 18 bronze medals para dominahin ang 2023 ROTC Games National Championships na nagtapos kahapon sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Sumegunda ang Navy sa nakuhang 9 golds, 7 silvers at 15 bronzes, habang may 2 golds, 8 silvers at 13 bronzes ang Air Force sa bakbakan ng mga cadet-athlete ng tatlong service branches ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Pitong golds ang hinataw ng mga Armymen sa arnis, tampok ang dalawa ni Maria LG Mae Ballester at tig-iisa nina Lolito Bacor Jr., Villamiel Tiongson, Febie Tacda, Kyla Dela Torre at Joana Dela Cruz.

Sumuntok ng limang golds ang mga Army boxer sa likod nina Florence Sumpay, Tina Pais, Kris- tine Grace Marquez, Alfred Deslate at Joel Efondo.

May apat na golds ang Army sa kickboxing mula sa mga panalo nina Betty Mae Churping, Kath- leen Igualdo, Christopher Manipon at Kristel Grace Llenas.

Sa siyam na ginto ng Navy, ang tatlo ay nagmula kay Adamson University star Kent Francis Jardin, na naghari sa men’s 200 meters, 4x100m at 4x400m relay ng athletics. May dalawang ginto ang Navymen sa e-sports at tig-isa sa arnis at kickboxing.

Dinagit naman ng Air Force ang dalawang golds mula sa kick- boxing at sa 4x100m relay events.

Sa 3×3 basketball, tinalo ng Jose Rizal Memorial State University ng Army ang University of Ca- gayan Valley ng Navy, 20-15, para sa gold medal.

Naungusan ng Ramon Magsaysay Memorial College ng Air Force ang Western Institute of Technology ng Army, 21-17, para sa bronze. Sa volleyball, hinablot ng Adamson University ang gold matapos ungusan ang University of Negros Occidental-Recoletos, 3-1, samantalang binigo ng University of Cagayan Valley ang Rizal Technological University, 3-0, para sa bronze.

CLYDE MARIANO