NADAGDAGAN pa ang air asset ang Aviation Regiment ng Philippine Army ng kanilang i-commission ang dalawang bagong training helicopters.
Mismong si Army chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang nanguna sa commissioning ng dalawang bagong donasyon na R-44 Raven Light Training Helicopters na nasa ilalim ng pangangalaga ng Aviation “Hiraya” Regiment ng Hukbong Katihan ng Pilipinas.
Kasabay ng pagpapasinaya pagpapasinaya sa dalawang Raven helicopters, binisita rin ni Sobejana ang Fort Magsaysay sa Nueva Ecija kasama si Col. Andre Santos, Regiment Commander.
Ang mga nasabing rotary aircrafts ay gagamitin sa training ng mga incoming rotary pilot students ng Regiment.
Target ni Sobejana, na mapalakas pa ang kanilang Aviation unit upang maayudahan ang kanilang ground forces na nasa actual combat operation, makapag deliver ng air support at cover fire sa tropa sa ibaba , makapaghatid ng supplies at makapagsagawa ng immediate medical evacuation gamit ang kanilang aviation capabilities sa pangunguna ng mga Army aviators.
Sinabi ng heneral malaking tulong ang kanilang Army air assets sa security requirements ng mga tropa.
Dumalo rin si Sobejana sa closing ceremony ng Aviation Qualification Course kung saan 16 na mga bagong Army aviators ang mga nag-sipagtapos.
Ilan sa mga bagong graduate ay sasailalim sa Rotary Wing Aircraft Training sa Fort Magsaysay habang ang iba ay idi-deploy sa isang Special Mission Aviation Company sa Visayas at Mindanao.
Ginawaran naman si Sobejana bilang Honorary Command Aviator Badge dahil sa naging kontribusyon at suporta nito sa Hiraya Regiment. VERLIN RUIZ
Comments are closed.