PHIL CINEMA’S OLDEST ACTRESS ANITA LINDA YUMAO NA

MAAGANG tinanggap nina Arnold Clavio at Ali Sotto sa kanilang morning broadcast ng programang Dobol A sa Dobol B, on radio at TV, showbiz eyemula kay Director Adolf Alix ang balita ng pagpanaw ng oldest actress in Philippine cinema, si Ms. Anita Linda, or Alice Buenaflor Lake in real life kahapon ng umaga, June 10, at the age of 95.  Naiwan ng mahusay na aktres ang dalawang anak na sina Francesca Legaspi na siyang nag-alaga sa kanya at si Fred Osburn na nagkataong umuwi ng bansa at ina­butan ng lockdown.

Umabot ng limang dekada ang acting career ni Ms. Anita Linda na nagsimula noong 1950.  Ang huli niyang pelikula ay ang “Circa” na ipi-nalabas in 2019.

ALDEN AT MAINE MASAYA NANG MAGKASAMA ARAW-ARAW SA EAT BULAGA

NAGPAPAULAN ng premyo at pera ang longest-running noontime show na “Eat Bulaga” araw-araw, ngayong live na silang muli na na-panonood pagdating ng 12:00 ng tanghali.  Hosted sa APT Studios ang show, nina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros (JoWaPao) at ang kaligayahan ng ADN (AlDub Nation), sina Alden Richards at Maine Mendoza na kahit may social distancing ay masayang-masaya na sila, ang mahalaga, napanonood nilang magkasama ang kanilang mga idolo.

Si Bossing Vic Sotto naman ang naghuhudyat sa pagpasok na ng kanilang “Juan for All, All for Juan” segment na nagbibigay ng malaking premyo, cash and in kind. Plus, ang bibigyan nila ng cash, kung ilan ang mabubunot nila sa show.  Ang mahalaga, pagkatapos ng show, kung nasa Metro Manila lamang ang winner, matatanggap na agad nila at kung sa ibang lugar, ipadadala nila agad ito sa express delivery.  Good job, Eat Bulaga.

Inanunsiyo rin ni Alden na simula ngayong araw, live na rin ang Bawal Judgmental, ang segment ng EB na inaabangan ng Philippines Dabarkads mula Aparri hanggang Jolo. Kung paano gagawin ay ‘yun ang kaabang-abang.

MIKAEL DAEZ AT MEGAN YOUNG NATUTO NA SA ONLINE GAMING NA DAPAT MAY LIMITASYON

AMINADO ang Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young na malaking parte ng kanilang buhay mag-asawa ang pagkahilig nila pareho sa gaming.  Sa podcast nilang #Behind­RelationshipGoals, tinalakay ng mag-asawa kung tama ba na pagkagastusan nila ang paglalaro ng online games.

Inamin man ng Kapuso couple na gumagastos sila pagdating sa kanilang gaming hobby, mainam na alam ng gaming enthusiasts kung hanggang saan lamang ang hangganan nang pagpapalabas ng pera para rito. Kaya ibinahagi ni Megan na natututunan nila ni Mikael sa tila ‘masakit’ na paraan noong June 2020, makita ang kanilang credit card bill.

“It was a moment of being irresponsible and not discipline at all,” dagdag ni Megan. At sagot naman ni Mikael, “it was a moment of me being irresponsible and not disciplined at all. So I told her, I will fix it and be honest with her. Pagdating sa lahat ng bagay, importante na maging tapat upang maiwasan ang miscommunication sa pagitan ng mag-asawa.”

Wala pang taping si Mikael ng “Love of my Life,” kaya tutok muna sila ni Megan sa kanilang YouTube channel na Me­gan & Mikael Podcast.

Comments are closed.