PHIL MARITIME ZONES ACT APRUBADO NA SA SENADO

APRUBADO na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang Philippine Maritime Zones Act.

Kinatigan ng 23 senador ang nasabing panukala.

Sinabi ni Sen. Francis Tolentino, chairman ng Special Committee on Maritime and Admiralty Zones at ang sponsor ng panukalang-batas, ito ay pagtalima ng bansa sa United Nation Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Sa ilalim ng panukala, maidedeklara ang karapatan ng Pilipinas sa maritime zones, kabilang ang “underwater features” ng mga karagatang sakop ng teritoryo ng bansa.

Palalakasin ng panukalang-batas ang pag-angkin ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea maging ang pag-angkin sa Sabah, na ikinokonsiderang teritoryo ng Malaysia.

“It will show our compliance with the law of the sea, arbitral ruling, maritime law. Kung ipapasa natin itong maritime zones law nagpapatunay ito na meron tayong karapatan sa karagatang yun.” dagdag niya. LIZA SORIANO