MAYNILA – “It’s true, your navy sailors and marines are the best possible ambassadors of your nation.”
Ito ang pahayag ni Russian Ambassador to the Philippine Ambassador Igor Khovaev sa welcome ceremony sa BRP Tarlac at sa Philippine Navy Naval Task Force 87 noong Lunes sa Pier 15 South Harbor Manila.
Sinalubong at pinapurihan nina Russian Envoy Igor Khovaev at Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Robert Empedrad ang buong contingent ng Philippine Navy Naval Task Force 87 na nagsagawa ng dalawang makasaysayang official port visit sa Vladivostok, Russia at Jeju Island sa South Korea lulan ng Naval warship na BRP Tarlac LD601 na naglayag noong September 22, 2018.
Sa nasabing welcome ceremony inihayag ni Empedrad sa kanyang pamumuno na hindi niya gusto na ang mga barko ng Filipinas o ng Philippine Navy na nakatali lamang.
Aniya, nais niyang ipadala ito sa iba’t ibang bansa para sa patuloy na pagsasanay at pag-aaral ng mga kasapi ng PN at mas maisulong pa ang military and diplomatic relation ng Filipinas sa ibang bansa
“I would like to fully support honorable Vice Admiral because he has just said that the phil navy sailors and marines they are the best ambassadors of your nation, yes its true, your navy sailors and marines are the best possible ambassadors of your nation. In vladivostok Russia because they helped many Russian people discover your country, your nation and its a great contribution to our partnership and friendship, im saying once again phil navy ships are always most welcomed in Russia” ayon naman kay Amb. Khovaev
Ang Philippine Navy Naval Task Force 87 na pinangungunahan ni Task Force Commander Capt. Florante N. Gagua at TF Executive officer at incoming BRP Tarlac commanding officer Capt Carlos Ruiz ay binubuo ng composite teams mula sa Philippine Navy, Philippine Marines, Naval Reserve Command, NAVSOG, Chaplain, Medical and Dental team at ng regular crews ng barko at mamahayag mula sa pahayagang ito, PILIPINO Mirror at Philippine Star. VERLIN RUIZ
Comments are closed.