PHIL. NAVY NAGLAGAY NG NAVAL DETACHMENT MALAPIT SA TAIWAN

NAGLAGAY na ng bagong detachment ang Philippine Navy sa pinakamalapit na isla ng Pilipinas sa Taiwan na tinawag nilang Naval Detachment Mavulis na inaasahang magiging pangunahing kampo ng Hukbong Dagat na pinakamalapit sa Taiwan.

Nitong nakalipas na Linggo, pinasinayaan ng Philippine Navy kasama ang pamunuan ng AFP-Northern Luzon Command ang Naval Detachment Mavulis na nasa Mavulis Island, Itbayat, Batanes.

Naniniwala ang Philippine Navy na higit na mapapalakas ng Pilipinas ang pagtataguyod ng bansa sa maritime interest nito at pagpapairal ng maritime law sa karagatang saklaw ng Hilagang Luzon.

Nanguna naman ang Naval Forces Northern Luzon sa pagpapasinaya, kasama ang mga lokal na opisyal ng Batanes,ñ at Senate Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Chairman Senador Francis Tolentino.

Samantala, bahagi ng pondo na ginamit sa pagpapatayo ng naturang detachment ay galing sa opisina ni Tolentino. VERLIN RUIZ