MATAPOS na dumalaw sa Pilipinas si U.S Defense Secretary Lloyd Austin III at ihayag ang napagkasunduan karagdagang EDCA Sites at joint RP-US maritime Patrol, pinasimulan na rin agad ang gagawing paghahanda para sa Joint RP-US Balikatan exercise.
Nitong nakalipas na Linggo ay bumisita si LtGen George W Smith Jr, commanding general ng US First Marine Expeditionary Force, sa punong himpilan ng Armed Forces of the Philippine.
Tinalakay nina AFP Vice Chief of Staff, LtGen Arthur M Cordura PAF at Lt Gen Smith Jr ang gagawing paghahanda para Balikatan Exercise na itinakdang ganapin sa Abril 2023.
Una rito binisita rin at nagsagawa ng introductory call ang Commanding General ng I Marine Expeditionary Force sa Philippine Navy headquarters.
Malugod naman na tinanggap ni Philippine Navy Vice Commander, RAdm Caesar Bernard Valencia ang top US Marine official.
Tinalakay ng dalawang opisyal ang pagpapalawig pa sa partnership ng Philippine Navy partikular ang Marine Corps nito para mapalakas pa ang capacity enhancement nito na mahalaga sa maritime domain awareness.
“We are looking forward to serve with all of the Filipino Armed Forces.” pahayag ni LtGen Smith Jr.
Sa panig naman ni RAdm Valencia, umaasa ito na makalahok sa mga future activities and exercises kasama ang kanilang US counterpart para mapalakas pa ang organisasyon. VERLIN RUIZ