PHILANTHROPIST, NAMAHAGI NG BIGAS, FERTILIZERS SA 2K PAMILYA

Si businesswoman-philanthropist Virginia Rodriguez ay namahagi ng mga kalidad na bigas at fertilizers sa daan-daang magbubukid at pamilya na nakatira sa Bgy. Dapdap, Tagaytay City, upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa pang araw-araw na buhay.

Si Rodriguez,  nominado ng ATeacher partylist, ay namamahagi ng tulong para sa mga kapos na kababayan at nais niyang ipagpatuloy ang adbokasyang ito upang maiangat ang buhay ng mga mahihirap na Pilipino.

Dahil sa kanyang adhikain na makatulong, pinalawak pa ni  Rodriguez ang kanyang mga programa sa buong Metro Manila at sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa dinaluhan nitong okasyon kung saan siya ay namahagi ng mga bigas at fertilizer sa mga mahihirap na mag-bubukid, nakipag-ugnayan na rin si  Rodriguez sa local officials ng  Cavite, Batangas at Metro Manila para maka-pag -implementa ng mga programang pangkabuhayan.

Nakipagpulong si Rodriguez kina  Bgy. Captain Freddie L. Bon and counsels, Edicel B.Bayot, Mark Anthony P. Rogacion,  Roderick T.Ramos, Eufrocina C. Barquilla, Ramon L. Pineda, Bernard V. Terrible, Jonathan M. Payad at  Sangguniang Kabataan Chariman Kim Andrey  R.Payad, kasama nito si  Lito L.Terrible-Administrator, at ang buong  SK counsels na sina  Mar Andrew Espina, Jacqueline Bon, Maidel Rogacion, John Neil Capili, Ian Bote, Kenneth Collantes at Arabella Grace Vibar.

Binigyan diin ni Rodriguez na ang mga  barangay leader ay isang  “training ground” para maging tunay at matalinong liderato ng mamamayan at sumali sa pang national governance.

Si Rodriguez din ang may akda ng librong “Leave Nobody Hungry”, na nakilala bilang advocacy leader sa agrikultura at agri-entrepreneurship, na may hangaring gawing moderno ang agricultural farming sa bansa.

 Pinaliwanag nito na walang halong pulitika ang kanyang pagtulong kundi bigyan ng magandang buhay ang mga magsasakang Pilipino.