PHILBEAUTY 2019: MALAKING OPORTUNIDAD  SA MGA BEAUTY BUSINESS

Philbeauty 2019

philbeauty 2019-1PATULOY na lumalago at lumalawak ang beauty business sa Filipinas dahil na rin sa impluwensiya ng social media. Malaki nga naman ang naitutulong ng mga cosmetic influencer, beauty vloggers at celebrities upang magkaroon ng kaalaman at ma-inspire ang bawat Filipina kung paano magiging amazing sa pamamagitan ng pag-eeksperimento sa ino-offer na makeup, hair at skincare.

Isa rin sa naging factor ang pagtaas ng standard ng living at purchasing power sa pagtaas ng consumer’s sophistication.

Ayon sa international analytic firm na GlobalData, tataas ng mahigit na 6 porsiyento ang cosmetics at toiletries (C&T) industry sa Asia Pacific (APAC) region  sa susunod na anim na taon.

Mula rin noong taong 2017 hanggang 2022, tinatayang tataas ang annual growth rate ng 6.3 percent—ang pagtaas ay mostly mangyayari sa Indonesia at Filipinas.

Ang Informa Markets, isa sa world’s biggest trade show organizers ay maghahandog ng malaking beauty events across Asia na gaganapin sa June 4-6 mula 10 am hanggang 6pm sa SMX Convention Center, Pasay City.

Malaki na ang experience ng Informa Markets pagdating sa beauty events. Katunayan nito ang nailunsad na beauty global events—ang Cosmoprof Asia  sa Hong Kong, China Beauty Expo sa Shanghai, China, Cosmobeaute sa Indonesia, Malaysia at Vietnam, Beyond Beauty ASEAN Bangkok at ASEANBeauty sa Thailand, Beautyexpo sa Malaysia at Vietbeauty sa Vietnam. Dahil sa nakitang pagtaas ng potensiyal ng Filipinas kaya’t naitayo ang country’s biggest beauty trade show ng Informa at UBM Asia—ang philbeauty.

“We decided to launch in the Philippines as there was no professional trade show to meet the demands of the beauty industry back in 2014. Philippines has an abundance supply of natural resources, which makes the country an interesting market for international collaboration. It has an informed population too, who’s willing to invest in quality beauty products and even in their own beauty business,” ayon kay CP Saw, Director of Beauty Portfolio ASEAN of Informa Markets.

Idinagdag pa nitong: “We had strong portfolio of beauty events, and our expertise could help introduce a strong international network in the market. At the same time, it gives an opportunity to the Philippine manufacturers a trade platform to showcase Filipino beauty products and services.  This plat-form not only help buyers in the Philippines to source more international products, but also has given the Philippines an international stage to showcase a wealth of impressive beauty products, just like Virgin Coconut skyrocketed its fame in the international beauty market.”

philbeauty 2019-2Sa ikalimang taon, ang philbeauty ang isang leading international B2B event for the beauty industry sa bansa. Magsasama-sama sa nasabing event ang international buyers at suppliers sa larangan ng pagandahan. Magkakaroon din ng network ang participants. Ipakikilala rin sa event ang international beauty products, services at technologies.

Ang tatlong araw na event ay maghahandog ng pagkakataon upang makilala ng harapan o face-to-face sa isang focused business environment. Perfect platform din ito sa mga companies at leading brands upang mai-showcase ang kanilang most comprehensive range of innovative beauty products, services at technologies sa malaking bilang ng audience.

May apat na segments ang nasabing beauty trade show ngayong taon— ang philbeauty finished products, philbeauty supply chain, philbeauty professional hair & beauty at ang pang-apat, ang philbeauty made locally.

“We are also launching the international barber show this year to cater more to our male market, as well as our latest makeup concept through the Makeup Box, international competitions such as World Permanent makeup (PMU) Masterclass Conference and Competition, Filipino Fantasy Hair and Makeup Contest, and the International Artistry Award,” ani Saw.

Aasahang aabot sa 200 exhibitors mula sa 24 countries at regions ang makikilalang trade professionals at participants.

Maaari ring maka-attend sa mahigit na 20 technical seminar at presentations na ipakikita ang latest o makabagong trends, products, services at technologies. May live demonstration din sa hair, beauty, lifestyle, fitness at wellness.

Isa rin sa kaabang-abang ang 1st Cosmetic Garden na ila-launch sa philbeauty ng Philippine Society for Cosmetic Science.

philbeauty 2019-3Tampok din sa event ang International Pavilions mula sa China, Korea, Malaysia, Singapore, Taiwan, Thailand at iba bahagi ng mundo. Inaasahang aabot sa 6,000 visitors ang dadalo sa event kasama na rito ang wholesalers, distributors, agents at retailers ng beauty and related products, may-ari ng beauty salon, nail salon at spas, stylist, make-up artist, beauty consultants, therapists, dermatologists, pharmacists and aesthetic doctors, sourcing managers, procurement heads, R&D managers at purchasing managers at maraming pang iba.

“The Philippine Boasts of its continuously rising beauty industry, and with philbeauty, we want to continue to empower Filipino beauty entrepreneurs by giving them opportunities to enhance their industry knowledge, network with key beauty players from different parts of the world—from suppliers, manufacturers to brand owners. philbeauty also provide them an international platform for them to showcase their beauty and grooming innovations, and grow their business,” pagtatapos pa ni Saw.

Comments are closed.